:o

Friday, January 2, 2009

HAPPY NEW YEAR :)

okay goodbye 08 and here comes o9
ano kaya mangyayari saking ngayong 2009? tataba? magkakaroon ng bagong cellphone? o kaya gwagwapo?
XD yayaman? o kaya popogi ndi natin alam. baka yung gwagwapo at popogi lang ang magkatotoo jan. XD puahaha

sapnin? anong nangyari noong new year? siyempre naglalaro ako ng fiesta. XD tapos mga 12 greet ko si ano. si bebe :) hehe. siya lang nagreet ko tska yung mga nasa ym ko. wala kasi akong load noon. polobe. ok? kung binabasa mo man to sigurado hiningian kita ng load. XD e di kung hindi. edi wag :>
tapos nung pagkatapos ko magtex. i make paputok! haha pero hindi tulad ng dati na nagpapaputok ako nung malalaking triangle na nakakawala ng kamay XD pero joke lang. hindi talaga ako mahilig sa paputok na malalaki. mas gusto ko pa paglaruan yung maliliit. tulad nung maliit na kwitis. alam mo ba yon? bsta super smaller version siya ng kwitis. haha tas lumilipad hanggang eye level nga lang tas pumuputok na. eye level ko. ndi sa eye level nyo hahah! tska yung maliit na 5star. yung 1 star XD dati nuong andito pa sila mama ko. nagpapabili ako ng madami nun. hala sige tapos pagkabili derecho sa bakuran, minsan pa nga naputukan ako na hawak hawak ko yon! hala grabe nabingi lang ako. kala ko mamatay nako! sa tawa haha. pag pasok ko sa bahay tawa ako ng tawa (medyo kinakabahan) pero hindi natigil dun ang kasiyahan ko sa mga ito. pero ngayon hindi na yata kasi parang yung kapatid ko na lang nagpaputok tas nakikitili lang ako. HAHA parang tinitignan ko nalang sila at natutuwa naman ako. ewan ko kung bakit. baka ayaw ng senses ko kasi iww paputok so kadiri pang baryo joke. biro lang baka bogbogin niyo ako. XD ayaw ko lang talagang magpaputok na. :)

tapos sa pagkain naman dun ako bumawi. handa? BAYABAS haha biro lang pero yan sinasabi ko pag tinatanong nila handa namin, pero sa totoo lang mas okay pa sa bayabas. KALAMANSI ang handa namin XD. de biro lang siyempre matatamis nanaman. pero may nabago chiken and pork barbecue! YUM sarap nabusog ako tapos yung paborito kong lecheflan XD yun ba yun? o iba yung sfelling ko? XD lecheplan? lichiflan? licheflan? lechiflan? licheplan? lechiplan? di ko alam. pero paborito ko talaga yun kahit yun nalang iregalo mo sa akin sa bertday ko okay na okay na ako ikikiss pa kita sa lips sigurado HAHAHA

tapos pagkatapos non balik laro ulit :) MALIGAYANG BAGONG TAON!
MAGBAGO NA KAYO! MGA TARANTADO BASAG ULO! haha de biro lang :) di ba pag bagong taon kelangan daw magbago? ndi naman sa kelangan may mga kelangan baguhin? ewan ko ako siguro babaguhin ko yung cellphone ko hehehe yun lang e no? para lang masabing may nabago! LUL ndi sa ugali din syempre. ako bahala na :) kahit ano. pero magaaral talaga ako ngayon pramis. tska magbebenta ng layout sa friendster! haha bili ka na dali sayang din yung pangbili ko ng siomai! XD

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home